Biyernes, Abril 8, 2022

Ang Simula ng Rebolusyong Pilipino para sa Kalayaan

 




"Mahalin mo ang iyong bayan pangalawa sa Diyos at sa iyong karangalan nang higit sa iyong sarili dahil ito lamang ang paraisong ibinigay sa iyo ng Diyos, ang tanging pamana ng iyong lahi, at ang kinabukasan ng iyong mga anak."

Mula sa Tunay na Dekalogo ni Apolinario Mabini


Aralin 17

Ang Simula ng Rebolusyong Pilipino para sa Kalayaan



 Paano nakatulong ang pagmamalabis at pagmamalupit ng mga Español sa pag-usbong ng kamalayan at rebolusyong Pilipino laban sa mga Español?


Ang Rebolusyon Noong 1896


Nang punitin ng mga Katipunero ang kanilang mga cedula sa pamumuno ni Gat. Andres Bonifacio at pagpapahayag ng pakikipaglaban sa mga Español ay naging hudyat ito ng rebolusyon sa iba't ibang panig ng Pilipinas laban sa mga Español.


Unang nakipaglaban ang walong lalawigan na kinabibilangan ng:


Nueva Ecija

Tarlac

Cavite

Laguna

Batangas

Pampanga

Bulacan

Maynila 


Ang walong lalawigan na unang naghimagsik sa mga Español ay sinisimbolo ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.


Iniutos ni Gob. Hen. Blanco ang pag-aresto sa mga pinaghihinalaang rebolusyonaryo pero pinalitan siya ni Camilo de Polavieja dahil sa kaniyang kabiguan


Si Polavieja ang nagpaaresto at naghatol ng kamatayan kay Rizal noong Disyember 30,1896 sa salang pagtataksil sa bansa.


Pagpatay kay Jose Rizal sa Bagumbayan (Luneta)


Apat na taon ding namalagi si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, Zamboanga del Norte nang siya ay ipinatapon doon ng mga Español. Habang nasa Dapitan si Rizal ay ginugol niya ang kaniyang panahon sa pagtuturo sa kabataan. Ginamot din niya ang mga maysakit at tumulong sa pamayanan. Nakilala niya rito si Josephine Bracken, isang Irish na naging asawa niya.


Nang sumiklab ang digmaan Cuba, nagpresenta si Rizal magboluntaryo bilang doktor militar sa mga sundalong Español nakikipagdigma sa Cuba.



Sinabi ni Jose Rizal kay Pio Valenzuela nang pumunta ito kay Rizal sa Dapitan upang ipaalam ang balak ni Bonifacio na paghihimagsik na gusto niyang matuto ng mga taktikang militar kaya nais niyang maglingkod bilang doktor sa hukbong Español sa Cuba.


Nang makaalis patungong Cuba si Rizal ay pinaghinalaan siya na may kinalaman sa pamumuno ng sedisyon ng mga Pilipino laban sa mga Español. Pinabalik siya sa Maynila. Ikinulong siya sa Kuta ng Santiago (Fort Santiago) at mabilisang nilitis ng hukumang militar.


Si Rizal ay nahatulang barilin sa Bagumbayan (Luneta) noong ika-30 ng Disyembre 1896. Bago pa man barilin si Rizal ay sinulat niya ang "Huling Paalam” sa kaniyang piitan sa Fort Santiago. Umagang-umaga ng Disyembre 30, mula sa kaniyang piitan ay pinalakad si Rizal patungong Bagumbayan habang nakatali sa likod ang dalawang kamay. Pagdating sa Bagumbayan, bago siya barilin ay sinabihan siya na tumalikod sa mga babaril sa kaniya tanda ng kaniyang pagtraydor sa bayan. Nang binaril si Rizal ay bahagya siya humarap sa mga bumaril sa kaniya dahil naniniwala siya na wala siyang kasalanan sa bayan.


Ang pagkamatay ni Rizal ang lalong nagpaalab sa damdamin at galit ng mga Pilipino sa mga Español.


Ang Pagkakahati ng mga Rebolusyonaryo sa Dalawang Pangkat


Nagkaroon ng problema sa pagkakaisa at pamunuan ang mga rebolusyonaryong Pilipino. Nagkaroon ng agawan sa pamumuno sa pagitan nina Emilio Aguinaldo ng grupong Magdalo at Andres Bonifacio ng grupong Magdiwang.


Upang maayos ang problema ay nagtayo sila ng bagong pamahalaan para pamalit sa Katipunan. Ang halalan ay ginanap sa Tejeros Convention noong Marso 22, 1897.


Nahalal si Emilio Aguinaldo bilang Pangulo ng Rebolusyonaryong Pamahalaan at si Bonifacio bilang Direktor ng Interyor.


Subalit pinagdudahan ni Daniel Tirona ang kakayahan ni Andres Bonifacio na ikinagalit nito. Ayon kay Daniel Tirona, hindi nararapat na mapunta kay Andres Bonifacio ang posisyon dahil ang kalihim ng interyor ay nararapat lamang sa isang abogado.


Umalis si Bonifacio sa Tejeros at buo ang pasiyang ipagpapatuloy ng Katipunan ang himagsikan sa kaniyang pamumuno. Hindi siya sumunod sa batas ng bagong Pamahalaang Rebolusyonaryo. Ito ang nagtulak sa kaniyang pagkaaresto at paghatol ng kamatayan matapos ang walang sapat na katibayan sa paglilitis sa salang pagtataksil.


Ang Pagbaril kay Andres Bonifacio


Kasama ni Andres Bonifacio ang kaniyang kapatid na si Procopio nang barilin ng mga tauhan ni Hen. Emilio Aguinaldo noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Buntis sa Maragondon, Cavite sa pamumuno ni Major Lazaro Macapagal.


Ang kamatayan ni Andres Bonifacio ang dahilan ng kawalan ng gana ng ibang Rebolusyonaryo. Ito ang hinintay ni Gob. Hen. Primo de Rivera na pagkakataon. Dahil dito, madali niyang nasupil ang mga ito.


Tumakas si Aguinaldo sa Batangas at doon tinalo sila ng mga Español. Lumipat sila sa Biak-na-Bato sa Bulacan at nagtayo ng panibagong kampo.


Epekto ng Pagkamatay ni Andres Bonifacio


Nalungkot ang maraming Pilipino sa pagkamatay nina Andres Bonifacio at kapatid nitong si Procopio. Alam ng mga Pilipino ang marubdob na pag-ibig ni Bonifacio sa kaniyang tinubuang lupa kaya buong tapang niyang itinatag ang Katipunan para sa bayan. Kinilala siya bilang pinakadakilang bayani ng Himagsikan ng 1896 dahil sa kaniyang katapangan at pagpupursige na maging malaya ang bansa sa mga mananakop.



Kung ating susuriin ang mga pangyayari sa kasaysayan ng ating bansa sa Panahon ng Himagsikan 1896, tunay na kabalintunaan ang hatid ng kasaysayan sa mga pangyayaring naganap sa dalawang bayaning naghangad ng kabutihan para sa bayan at kapuwa Pilipino. Si Jose Rizal na ipinaabot ang kaniyang mga hinaing at pagtuligsa sa mga Español sa pamamagitan ng panulat at naniwala sa katapatan ng Spain sa pagkakaloob ng reporma ay namatay sa bala ng mga kawal na Español. Samantalang si Andres Bonifacio na naniwala sa kakayahan ng kapuwa Pilipino na matatamo ang kalayaan ng kaniyang bayan ay namatay sa bala ng kapuwa Pilipino.


Malungkot isipin na magpahanggang ngayon, may mga pangyayari sa ating bansa na kapuwa Pilipino ay nagpapatayan dahil may kaniya-kaniyang ideolohiyang ipinaglalaban. Dapat nating isipin na tayong lahat ay magkakapatid na Pilipino at marapat na magmahalan bilang Pilipino sa iisang bansa, ang ating tinubuang lupa na ipinagtanggol ng ating mga bayani, ang Pilipinas.


Gawing aral at gabay ang mga suliranin at hindi magagandang nangyari sa kasaysayan ng bansa tungo sa masagana, pantay-pantay, at maliwanag na bukas ng bansa.






Martes, Abril 5, 2022

Pagkatuklas ng Katipunan

 Pagkatuklas ng Katipunan


Pagkalipas ng apat na taon ay nalaman ng mga Español ang Katipunan dahil sa di pagkakaunawaan ng dalawang miyembro. Nagkasagutan sina Apolinario de la Cruz at Teodoro Patiño habang nililimbag ang Kalayaan sa Diario de Manila. Upang makaganti ay naikuwento ni Patiño ang buong katotohanan tungkol sa Katipunan sa kaniyang kapatid na babae na si Honoria na siya namang humingi ng payo sa isang madre. Dahil dito, dininig ni Teodoro Patiño ang payo ng madre na ikumpisal sa prayle ang kaniyang nalalaman. 


Ang Sigaw sa Pugad Lawin


Nalaman agad ni Andres Bonifacio ang nagyari at tinipon agad niya ang mga kasapi ng Katipunan sa Pugad Lawin, ngayon ay Balintawak. Pinunit nila ang kanilang mga cedula, simbolo ng kanilang paghihimagsik. Nangyari ito noong Agosto 23, 1896 at tinawag itong Sigaw sa Pugad Lawin.


Sa pagpunit ng cedula ay napagkasunduan ng mga kasapi ng Katipunan na lumaban sa mga Español. Habang pinupunit ang mga cedula ay sabay-sabay nilang isinigaw ang "Mabuhay ang Pilipinas." Hudyat ito ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Español.


Ang Pagtutol ni Rizal sa Madugong Rebolusyon


Pinadala ni Andres Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan, Zamboanga upang ipaalam kay Jose Rizal ang plano ng Katipunan. Sinabihan ni Rizal si Valenzuela na sabihin kay Bonifacio ang kaniyang panig na huwag mag-alsa dahil kulang ang kanilang armas.


Ipinabatid ni Dr. Pio Valenzuela kay Andres Bonifacio ang payo ni Rizal ngunit hindi ito pinakinggan ni Bonifacio.





Linggo, Abril 3, 2022

BAKIT NGAYON KO LANG NAREALIZED !!!

 BAKIT NGAYON KO LANG NA REALIZED !!!


Habang Tumatanda ka din ba feeling mo palungkot ng palungkot ang buhay mo? 
yung feeling mo, parang palayo ng palayo ung mga pangarap mo sayo ?
yung feeling mo na may kulang sa buhay mo ? 
may trabaho ka naman pero feeling mo hindi ka makontento sa buhay mo ? 
lagi mong nakikita ung mga bagay na nais mo sa ibang tao ? 

Maraming beses din akong nilalamon ng kalungkutan, habang nagkakaedad ako, i realized na nasayang ko ung oras ko sa mga bagay na hindi ko naman talaga kailangan. 

Maraming beses din akong nagsisi dahil inuna ko ung mga bagay na panandalian lang ang ligaya o saya na kayang ibigay sa akin. Dumaan din ako sa stress at anxiety dahil sa maling desisyon ko sa buhay, sa mga bagay na pinili kong makinig sa sasabihin ng iba o sumunod sa kagustuhan ng iba. 


MAY LIMANG PARAN PAANO MAGING MASAYA 

1 SELF-CARE AND SELF LOVE 

nakita ko ung sarili kong subsob sa trabaho at obligasyon sa buhay dahil dito nakalimutan kong alagaan ang sarili ko para lang maibigay ang mga gusto ng ibang tao para maging msaya sila , hndi masama minsan unahin natin ang kagustuhan natin sabi nga nila "DESERVE KO TO" bili ka ng bagay na kahit paano magpapasaya sayo or magpapagaan ng pakiramdam mo. kapag natutuhan natin na pahalagaan ung sarili natin duon mo mas matutuhan ung WORTH at PURPOSE  mo sa buhay. Meaning you cant give a perfect love and care sa ibang tao kung hindi mo pinahahalagan ang sarili mo. 

kung may extrang pera TREAT YOURSELF FIRST. or maglaan ng small amount ng pera every time ng sahod mo, wag maging madamot sa sarili para nakikita mo din ung pinaghihirapan mo. Kasama na din sa Self-care and love ang tumawa maari kang manood sa NETFLIX, YOUTUBE o tiktok. Go out and find your happiness sabi nila go out from your comfort zone.   

2.  HAVE FUN WITH YOUR FAMILY AND REAL FRIENDS

    Madalas nakakalimutan na natin magkaroon ng quality time sa family, laging tandaan na ang pamilya mo lang ang laging sasalo o tutulong sayo sa panahon na down na down ka lalo na ang ating mga magulang. Enjoy every moment with your family, tandaan habang nagkakaedad tayo, TUMATANDA din sila. Mas maganda pa din na magbuild ng maayos na pakikipagkapwa tao lalo na sayong mga magulang. Ang kanilang Advice pa din ang pinaka.daBEST na advice dahil na din sa mga pinagdaanan nila.

    Sa mga kaibigan naman, maaring marami kang maging kaibigan sa personal man, kawork or socal media, pero tandaan mo ung mga kaibigan mo na may magandang impluwensya sa buhay mo, hindi ung hahatakin ka pababa, mga kaibigan mo na alam mo sa sarili mo na may pangarap din tulad mo, hindi ung kaibigan mo na sa masayang moment lang nandyan pero kapag walang wala ka, wala na din sila. Piliin mo ung kaibigan na gustong sabay kayong uunlad at hindi ka hahatakin pababa. maswerte ka kung may  kaibigan ka na kapatid na ang turing sayo, kaya kaibigan pahalagahan mo sila.
 
3. FOCUS ON YOUR GOAL
        Isang milyong beses ka man mareject at magkamali, isang  daang libo beses ka man na pagtawan, o isang daang beses ka nilang  hatakin  pababa, humaan ka ng isang paraan paano ka makaaangat sa buhay mo, Sa buhay natin mga Filipino talagang hindi maiiwasan ang makumpara tayo sa ibang mga ka Edad natin, maraming hindi maniniwala sayo, magdududa sa kakayahan mo, magsisimula ka pa lang, may masasabi na sila sayo, But don't forget, this ANG MGA SUMUSUKO AY HINDI NAGTATAGUMPAY, ANG MGA NAGTATAGUMPAY AY HINDI SUMUSUKO.! Ang problema sa buhay ay parang BAGYO dumaraan sa ating buhay pero tandaan mo, Ang problema daraan lang sa ating buhay, lilipas din yan kaya wag mo ng TAMBAYAN. 

    Di ba mas masarap damhin ang tagumpay kapag pinaghihirapan, kaya kung nahihirapan ka ngayon for sure malapit ka na sa iyong TAGUMPAY, cheers !!! wag mo kong kalimutan :) Maaring kang magpahinga pero wag kang BIBITIW at SUMUKO. Kung napapagod ka na kakaisipin kung paano tayo makakamit ang ating GOAL sa buhay, Isipin mong muli kung bakit ka nagsimulang mangarap sa buhay, kung bakit ka nagsisikap, kung bakit dapat kang magtagumpay. Mas mabuti ng sinubukan mong muli, kaysa pang habang buhay mong pagsisihan, Wala ng SANA ALL !!! basta isang hakbang patungkong tagumpay kahit isang hakbang sa kada isang araw, atleast you try!!!

    kung hindi mo sisimulan ngayon ang iyong pangarap, kailan pa kapag matanda ka na? kapag marami ka ng obligasyon sa buhay, laging time ang dahilan or excuses ng tao, wala pa kong time, baka pagdumating ung TIME NA READY ka na wala ng yung magandang OPPORTUNITY PARA SAYO.. kaya kaibigan mag isip-isip ka na kung BIBITAW KA NA BA ?  HINDI KA PA BA MAGSISIMULA ? O TATANGGAPIN MO NA LANG NA HANGGANG GANYAN LANG ANG BUHAY MO ?

4. HEALTHY MIND AND HEALTHY BODY. 

    Sa henerasyon ngayon uso ang internet, bagong cellphone at addik sa Social media, napansin mo ba na ang tagal mong nakatutok sa iyong cellphone,tablet or laptop? pero may napala ka po ba? lagi kang nakakakita ng masasarap na food sa tiktok at fb, nagbibigay hudyat na kainin mo din ito, FAST FOOD  IS REAL, mukhang masarap kinain ni IDOL, Pag may VLOG ang IDOL about gadget, I WANT THAT TOO !!!!  ito ung mga dahilan kung bakit tayo payat at puyat, Oo kasama ako happy ka na ?  kain sa FAST FOOD, puyat sa social media at kdrama . nakalimutan na din ata mag VITAMINS at matulog ng atleast 8 hrs a day not a week :D 

    Sa madaling salita, pahalagaan mo din ang iyong kalusugan, excercise ka, simulan mo ng 3x a week, after 3 months, every day ka na mag excercise. kahit basic excercise lang para hindi agad pumanaw joke !!! Para mag.circulate ung dugo mo ng maayos at makapag isip isp ng maayos,  tungkol sa healthy mind wala pa din tatalo kapag nagbabasa ng LIBRO about selfcare, motivation, financial literacy, spiritual book, magazine or anything na makakapag improve about your personality and MENTAL HEALTH.  SELF-IMPROVEMENT Huh, hindi pocket book na puro love story or kung ano mang tema, GROW UP and GLOW UP  but dont GROW OLD. 


5. TRUST THE PROCESS AND RESPECT YOUR TIMELINE
        
yung pakiramdam mo na ginawa mo naman lahat pero parang kulang at parang kasalanan mo pa din ? yan drama na nanaman nasa isip mo, Wag mo hintayin ung magandang opportunity, kundi maghanap ka ng magandang opportunity, kung wala kang mahanap, GUMAWA KA NG MAGANDANG OPPORTUNITY para sayo,  kung naghanap o gumawa ka ng opportuniy para sayo, ginawa mo an lahat, 6 months na wala pa din pagbabago sa buhay , try mo ulit maghanap at gumawa ng opporunity may natitira pang 6 months sa isang taon, kung itong 2022 na to, hindi mo na achieve ung goal mo try mo next year, kung umaabot na ng 2025 (after 3 yrs) na wala pa din, wag kang mag alala may next year pa.  

Yan ung sinasabing trust the process, dahil may kanya kanya taong TIMELINE, Trust and Respect the process, kung sila na achieve nila ung goal nila, baka may kulang pa sayo, or may dapat ka pang matutunan, ang importante, natututo ka sa bawat wrong decision na pinili mo, IMPROVE your self lang kapatid, kasi naniniwala ako na darating ang araw kung talaga pursigido ka, makakamit mo yang pangarap mo. 

kung may tiwala ka sa sarili mo kahit na gaano karami ang hindi naniniwala sayo at ilang bagyo ang dumaan sa buhay mo kung talaga magsisikap at kikilos ka may mararating ka kaibigan. 


dahil nakarating ka sa part na to, may bonus pa kong isang TIPS na napakahalaga at importante 

6. TALK TO GOD, Let him Lead and redirect you !!!

Ang bilis ng oras at panahon, maraming pabago bago, maraming nauuso. maraming sumisikat at nag viviral pero nakalimutan ata ng tao kung bakit tao nasa mundo ngayon. 
Kaibigan maniwala ka man o sa hindi. Ipagkakatiwa sa iyo yan ng panginoon kung talagang nakikita nyang nagsisikap ka, hindi ka man nagsasabi alam na ni Lord ung gusto ng puso't isip mo, Talk to God and let him lead you, hindi ka nya hahayaang pagtawanan ng ibang tao, maliitin ng ibang tao dahil nag kamali, he wants you to redirect to the right path. maaring dumaan ka sa maybagyo ng buhay mo para maging ready ka sa matamis mong tagumpay.

 
 

Biyernes, Abril 1, 2022

Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya ni Emilio Jacinto



 Mga Aral ng Katipunan


Ang layunin ng samahan ay ipaglaban ang kalayaan sa anumang paraan. Hinikayat ni Andres Bonifacio ang malawakang pangangalap ng mga kasapi sa pamamagitan ng paglalathala sa Kalayaan. Si Emilio Jacinto ang nagsilbing patnugot ng Kalayaan. Siya ang kanang kamay ni Andres Bonifacio at tinaguriang "Utak ng Katipunan."


Ang Kartilya o mga Alituntunin ng Katipunan ni Jacinto ang naging kontribusyon niya sa samahan kaya siya ay hinirang na dakilang manunulat: ng Katipunan. Si Apolinario Mabini ang "Dakilang Lumpo" naman ang naging "Utak ng Rebolusyon."


Ang Kartilya ng Katipunan ay binubuo ng 13 alituntunin o mga aral na susundin ng bawat Katipunero sa Katipunan. Binuo ni Emilio Jacinto ang Kartilya upang malaman ng mga Katipunero ang dapat nilang gawin bilang kasapi ng samahan. Ito'y dapat nilang sundin.


Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya

ni Emilio Jacinto


I. Ang buhay na hindi ginugol sa isang malaki at banal na kadakilaan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag.


II. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita o paghahambing sa sarili, at hindi sa talagang nasa gumawa ng kagalingan ay di kabaitan.


III. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapuwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran.


IV. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit hindi mahihigitan sa pagkatao.


V. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri o dangal sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.


VI. Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.


VII. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit ang panahong nagdaan na'y di na muli pang magdadaan.


VIII. Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.


IX. Ang taong matalino ay may pag-iingat sa bawat sasabihin, matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.


X. Ang daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawa't mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.


XI. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay ng lalaki sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatan ng iri sa iyong kasanggulan.


XII. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid ay huwag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba.


XIII. Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Panginoon, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal ng tao, kahit laking gubat at walang nakababatid kundi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di naaapi't nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.


Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang sangkalupaan at sabugan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahati't magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.





Miyerkules, Enero 19, 2022

Puberty: Issues, Concerns, and How to Manage Them

Puberty: Issues, Concerns, and How to Manage Them


Puberty: Issues, Concerns, and How to Manage Them


In this lesson, you will demonstrate ways on how to manage puberty-related health issues and concerns.



You will also answer this question: How can you show empathy to those who are going through puberty-related health concerns?


Let's Get Ready


Share what you think about this quote: "You are no longer a child but not yet an adult.




Lets find out 

In this lesson, you will be able to do the following 




 Describe the common health issues and concerns during puberty. (H5GD-le-f-5


Practice proper self-care procedures. (H5GD-II-10)


Demonstrate ways to manage puberty-related health issues and concerns.


Accept that most of these concerns are normal consequences of bodily changes.



(H5GD-||-9)


Demonstrate empathy for persons undergoing these concerns and problems.




Let's Go 

"Why have not I developed physically as fast as my friends?"

 "How do I know when I will start having my period?" 

"Do boys also have menstruation?"


"Why do I pee on the bed like my baby brother?" 

"Will I still have a baby even if I am not old enough to get married?"


These are some of the many questions that adolescents have. There is no best time to go through puberty and you will experience these changes when your body is ready. The passage from childhood to adulthood can be an awkward and confusing time but having the right information from trusted adults makes it easy. With these physical, emotional, and social changes, you will experience various puberty-related health issues and concerns.


Puberty-related Health Issues and Concerns


  1. Nutritional Issues


Your increase in appetite will make you crave for different kinds of food. While you are enjoying these, make sure you choose food and beverages that are not just filling but also nutritious. Use the nutritional guidelines for Filipinos your age, making sure you take the right amount of serving and a variety from each category. There are a lot of these so choose the ones that are fresh, safe, and reasonably priced.


  1. Mood Swings


The shifts in certain hormones will trigger feelings of restlessness, irritability, anxiety, excitement, happiness, and frustration. Mood swings can be frustrating to you and it also affects the people around you. While having mood swings is normal, apologize if you realized that you hurt someone with what you have said or done, then continue being emotionally healthy.


  1. Body Odor


With increased perspiration added with bacteria, you develop body odor. You can stop this stinky smell in your armpits or in other parts of your body by keeping clean. When this happens, continue having a regular bath using antibacterial soap. Applying deodorant or antiperspirant will help cut the sweat.


Do not let the sweat refrain you from working out or playing sports. Simply take a bath and wear clean clothes again after your PE class or when the weather is still very humid and makes you very sweaty and smelly.


  1. Oral Health Concerns 


Did you know that increased hormones also cause redness, bleeding, and swelling of gums? Adolescents also have a higher prevalence of gingivitis compared to children and adults. Cavities and bad breath can also happen. You can avoid these by brushing your teeth for 2 minutes using toothpaste with fluoride. Bring a dental kit in school and visit your dentist at least twice a year.


  1. Pimples or acne 


Another uncomfortable situation is having pimples or acne. These bumps on your face make it unpleasant to look at the mirror. And even if you are not looking at the mirror, you will still feel conscious about it. To keep your skin clean, wash your hands thoroughly, then apply facial wash. If the breakout is still out of hand, you can ask your parents or see a doctor.


  1. Poor Posture


Likee what you learned in your Physical Education class, posture not only helps you look good but also makes you feel good. Your back, neck, and other parts of your body do not get strained because you have an equal amount of body weight in your spine. Do not slouch or crane your neck like a chicken. Observing proper posture when you are sitting, sleeping, standing, and walking will make you feel comfortable and confident at the same time!


Girls who are self-conscious about their height and breasts have the tendency to slouch. If you know anyone who is going through this, do not tease. Instead, make her feel good about herself. Do the same for boys who are too tall compared to their friends.


  1. Menstruation-related Concern


During the menstrual period, some girls experience abdominal cramps or dysmenorrhea. This painful menstruation is caused by contractions of the uterus. Girls can take a warm bath then apply heating pad on their stomach while they sit or lie down. For severe cramps, the doctor can advise them on which medicine to take. Another discomfort can also happen before the menstrual period. This is called premenstrual syndrome or PMS. The change in hormone levels before the menstruation begins makes girls feel bloated, nervous, irritable, and have headaches.


  1. Early or Unwanted Pregnancy 


Puberty is not a single event. It is a long process that has been reached when males and females have the physical capability to reproduce. Early sexual involvement and sexual risk-taking behaviors put the youth at risk of early and unwanted pregnancy. It creates academic problems because the young mother or father will face the realities of being a parent. Some skip class while others drop out of school. They find it hard to juggle the challenges of adjusting to a new relationship, earning a living, and completing their education. This overwhelming responsibility is stressful to teenagers and may also affect their innocent baby.


  1. Sexual Harassment


Having a maturing reproductive system also puts adolescents at risk of sexual harassment. You need to distinguish good touch from bad touch. If it does not feel right, go with your gut feel and say "stop it!". Leave the place as soon as you can and tell a trusted adult immediately about that uncomfortable experience. Do not be afraid because you are a minor and it is your right to be protected.


Adolescence is a time of change. While you enjoy some privileges like being treated like an adult, you also need to remain curious and cautious about these changes in your body. You will experience emotional changes like doubts, fears, and anxieties but most adolescents overcome them eventually, thanks to the patience and understanding of your parents and teachers. With their basic knowledge of the reproductive system and how it works, they understand the effects of these changes on you. 


You too can show empathy or being aware of the feelings of others by giving them space when they need to be alone to think things through. When they are ready, you can talk to them about how they feel. If you need the help of trusted adults, go to them so that you can clarify your questions or concerns. Not being part of the teasing also shows empathy.


During adolescence, you will have increased feelings of independence and sexuality. Having a positive attitude will help you handle these changes.


How can you show empathy to those who are going through puberty-related health concerns?


Self-care and Management


These puberty-related health issues and concerns will make you realize that you have a responsibility to keep yourself clean, safe, and healthy.


Practice proper diet and exercise. Remember to keep clean by maintaining body and oral hygiene especially during menstruation or circumcision. Abstain from sexual activity to prevent sexually-transmitted infections. For girls, there are infections that are not related to sexual behavior but only a doctor can give proper treatment. Have monthly breast self-examination and have a yearly checkup of your reproductive system. Make it a point to practice these self-care procedures so that you will continue to grow up living clean, healthy, and safe.




Lunes, Enero 17, 2022

Ang Labintatlong Martir ng Cavite

 ALAM MO BA?



Ang Labintatlong Martir ng Cavite


Alam mo ba na ang kabisera ng Cavite ay ang Trece Martires ? Ang Trece Martires ay ipinangalan sa labintatlong martir ng Cavite na sina:



Luiz Aguado

Jose Lallana 

Eugenio Cabezas

Severino Lapidario 

Feliciano Cabuco

Victoriano Luciano 

Agapito Conchu

Alfonso De Ocampo 

Maximo Inoncencio

Francisco Osorio

Maximo Gregorio 

Hugo Perez

Antonio San Agustin



Ang labintatlong martir ng Cavite ay mga kilalang mamamayan ng Cavite. Sila ay dinakip sa salang pakikipagsabwatan sa mga Katipunero kaugnay sa naganap na pag-aalsa sa Cavite noong Agosto 31, 1896.


Bagaman walang kaalaman, sila ay hinatulan ng kamatayan ng Komisyong Militar na lumitis sa kanila. Noong Setyembre 12, 1896, binaril ang 13 martir sa Kuta ng San Felipe sa Cavite.


Sabado, Enero 8, 2022

Pinuno ng mga Unang Pag-aalsa


Pinuno ng mga Unang Pag-aalsa
Lakandula 
 
Nang dumating si Legazpi sa Pilipinas ay naging maayos ang pamamahala nito sa Maynila. Nang dumating si Gobernador Heneral Lavezares ay binawi nito ang mga ipinangako ni Legazpi kay Lakandula na hindi pagbabayarin ng buwis at sapilitang paggawa ang kaniyang mga kaanak. Ito ang dahilan ng paghihimagsik ni Lakandula laban sa mga Español noong 1574. 
 
Rajah Sulayman 

 Matapang na Hari ng Maynila noon si Rajah Sulayman. Nang dumaong ang barko sa baybayin ng Maynila lulan ng mga sundalong Español na pinamunuan ni Martin de Goiti at Kapitan Juan de Salcedo noong 1570 ay nagpadala ito ng mensahero upang ialok ang mapayapang kasunduan. Nakipagkasundo ang matapang na Hari ng Maynila sa pamamagitan ni Rajah Lakandula na kaniyang tiyuhin. Hindi tumupad ang mga Español sa kanilang kasunduan, kaya muling nag-alsa si Rajah Sulayman sa mga Español. Namatay si Rajah Sulayman sa labanan noong ika-3 ng Hunyo 1571 sa Tondo, Maynila. Magat Salamat Matapang na anak ni Rajah Sulayman si Magat Salamat. Nakita ni Magat Salamat ang mga pang-aabuso ng mga Español sa kaniyang mga kababayan. Sumulat si Magat Salamat sa opisyal ng mga Español upang ipaalam ang mga pang-aabusong taliwas sa napagkasunduan ng mga pinuno. Subalit hindi inintindi ng opisyal ang kaniyang sulat. 
 Nag-isip ng paraan si Magat Salamat kung paano mapaalis ang mga Español subalit nalaman ito ng mga Español. Hinuli ng mga Español ang mga pinuno ng grupo kasama si Magat Salamat at silang lahat ay pinatay. 
 
Tamblot 
 Katutubong pari ng Isla ng Bohol si Tamblot. 
Pinamunuan niya ang mga katutubong Boholano na mag-aklas at labanan ang mga Español upang maibalik ang relihiyong kanilang kinagisnan.
 Natalo sa labanan ang pangkat ni Tamblot sa malakas na puwersa ng mga Español at siya ay namatay. 

 Juan Sumuroy 
 Juan Sumuroy ay tubong Samar Nang utusan sila ng alcalde mayor ng Samar na si Gobernador Heneral Diego Fajardo na ipadala sa Cavite para sa sapilitang paggawa ng barko ay tumutol si Sumuroy bilang pinuno ng grupo. Umabot ng isang taon ang pag-asa ng grupo ni Sumuroy bago ito nahuli. 

 Francisco Maniago 

 Pinamunuan ni Francisco Maniago ang pag-aalsa sa Pampanga dahil sa sapilitang paggawa ng galyon, pagtatrabaho trosohan, at hindi makatarungang pagbayad ng mga Español sa mga inaning palay ng mga sa ng katutubo. Natigil ang pag-aalsa nang pangakuan sila mga Español na babayaran sa kanilang mga paglilingkod at hahayaang gumawa sa kanilang mga bukirin.
 
Francisco Dagohoy 

 Ayon sa mga salaysay, ang pag-aalsa ni Dagohoy ang pinakamatagal na pag-aalsa sa kasaysayan laban sa mga Español na umabot sa 85 taon. Tinanggihan ng mga paring Español ang kahilingan ni Dagohoy na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid. Ito ang simula ng pag-alsa ni Dagohoy sa Bohol. Hinikayat niya ang mga mamamayan ng Bohol na sumama sa kaniyang paghihimagsik. 

 Diego Silang at Gabriela Silang 

 Nang una ay nanilbihan si Diego Silang sa mga pari bilang utusan. Nakita ni Diego Silang ang kahinaan ng mga Español sa labanan sa pagitan ng mga kawal buhat sa Britanya nang isinuko ng mga Español ang Maynila sa mga bagong mananakop. Naisip ni Diego na kaya nilang kalabanin ang mga Español. Dito niya hinikayat ang kaniyang mga kababayan sa Vigan na labanan ang mga Español. Noong Disyembre 1762, naitaboy ni Diego Silang sampu ng kaniyang mga kasama ang mga pinuno ng mga Español na namuno sa Ilocos Sur. Umanib sa kaniya ang mga kalapit na lalawigan at hindi sila nagbayad ng buwis sa mga Español. Isang tao ang inupahan ng mga Español na nagtraydor kay Diego na nagngangalang Vicos at binaril nito si Diego nang nakatalikod. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang laban ng kaniyang asawa na si Diego Silang nang mamatay ito. Naghimagsik din siya laban sa mga Español. Subalit laman ito ng mga Español at siya'y hinuli at binitay noong Setyembre 20, 1763. 


 Ang Pag-alsa ni Palaris

 Naghimagsik din ang mga taga-Pangasinan sa pamumuno ni Juan de la Cruz Palaris noong 1762. Ang pagmamalabis ng mga Español sa pangongolekta ng buwis ang dahilan ng pag-alsa o paghihimagsik ng mga taga-Pangasinan. Nang matalo ng mga Ingles ang mga Español sa labanan nang pasukuin nito ang Maynila ang nagtulak kay Palaris na maaari nilang matalo ang mga Español. Sa pamumuno ni Palaris ay lumaganap ang himagsikan laban mga Español sa Dagupan, Bayambang, at iba pang bayan. Namuno si Palaris nang halos isang taon sa kaniyang nasasakupan. Nang umalis ang mga Ingles at namatay si Gabriela Silang ay sunod na tinugis si Palaris ng mga Español at pinatay taong 1764. 

 Ang Pag-alsa ni Apolinario de la Cruz (Hermano Pule)

 Kilala sa palayaw na Hermano Pule si Apolinario de la Cruz. Bata pa man siya ay nais na niyang maging pari. Noong 1840, itinatag ni Hermano Pule ang relihiyon. isang kapatirang Cofradia de San Jose, isang samahan na patungkol sa relihiyon. Dumami ang umanib sa samahang itinatag niya. Ang samahang ito ay hindi kinilala ng mga Español kaya tinugis si Hermano Pule. Nakatakas si Hermano Pule at bumalik sa Tayabas. Ginawa niyang lider ang sarili sa mga dumaraming tagasunod sa kaniya. Nagalit ang mga Español kaya nagpadala ito ng mga tutugis at lalaban kay Hermano Pule. Natalo ang mga Español sa labanan kaya nagpadala uli ng mga kawal ang mga Español upang sugpuin si Hermano Pule. Naabutan si Hermano Pule sa isang madugong labanan sa Alitao, Tayabas at dito napatay ang pinuno ng samahang Cofradia de San Jose noong ika-4 ng Nobyembre 1841.

KAALAMAN AT KASANAYAN SA PAGKUKUMPUNI

https://drive.google.com/file/d/1ICVKETNdH162VzaAxeBC48q_Y_LYhRCw/view?usp=sharing