Biyernes, Enero 7, 2022

Pagpupunyagi ng Katutubong Pangkat na Mapanatili ang Kalayaan sa mga Mananakop


 Pagpupunyagi ng Katutubong Pangkat na Mapanatili ang Kalayaan sa mga Mananakop


"Ang taong handang mamatay para sa kaniyang minamahal, sa kaniyang lupang sinilangan ay hindi siya makakalimutan." - Dr. Jose Rizal


Paano tinutulan ng mga katutubong pangkat na Pilipino ang kolonyal na pananakop ng mga Español sa bansa?


Ang Pag-aalsa ng mga Pilipino Laban sa mga Español


Sapilitang binago ng mga Español ang buhay ng mga Pilipino. Dahil sa pagmamalupit, pagmamaltrato, pagkamkam ng mga kabuhayan at mga lupain, at pang-aabuso, nagsimulang mag-aklas ang mga Pilipino. Nabuhay ang kamalayan ng mga Pilipino at nais nilang maging malaya.


Si Lakandula, pinuno ng Tondo, ang unang nag-aklas laban sa mga Español. Sinundan ito ng marami pang pag-aklas sa iba't ibang panig ng bansa.


Sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Español sa Pilipinas, mahigit 100 na pag-aalsa ang isinagawa ng mga Pilipino sa iba't ibang dako ng Pilipinas sa iba't ibang dahilan at pamamaraan.


Mga Pangunahing Dahilan ng Pag-aalsa ng mga Pilipino




Maibalik ang nawalang kalayaan


Pagkamkam ng mga lupain at kabuhayan


Pagmamaltrato, pagmamalupit, at pang-aabuso


Sapilitang paggawa


Hindi makatarungang pagbayad ng buwis


Paghihigpit ng mga prayle sa pagpapairal ng relihiyong Katoliko


Iba't Ibang Pag-aklas ng mga Pilipino sa Iba't Ibang Panahon



Nahati sa tatlo ang mga pag aaklas ng mga katutubong Pilipino laban sa mga Español


Pag-aalsang Politikal


Pag-aalsang Panrelihiyon


Pag-aalsang Pangkabuhayan


Mga Pag-aalsang Politika



Pag-aaklas

Taon

Lugar

Dahilan

Pinuno

Lakandula

1574

Tondo

Pagbawi ni Gobernador Heneral Lavezares sa mga ipinangako ni Legazpi kay Lakandula na hindi pagbabayarin ng buwis at sapilitang paggawa ang kaniyang mga kaanak

Lakandula

Magar Salamat

1587

Tondo 

Pagnanais na humiwalay sa kapangyarihan ng mga Español

magar salamat

Mga taga isabela

1621

Isabela

Kalupitan ng mga opisyal na Español

Felipe catabay

Ladia

1643

Malolos bulacan

Pang-aabuso ng mga opisyal na Español sa mga katutubo

Ladia


Mga Pag-aalsang Panrelihiyon


Pag-aaklas

Taon

Lugar

Dahilan

Pinuno

Katutubo ng Bohol 

1621

Bohol

Pagpanumbalik sa

katutubong paniniwala

(pagtanggi sa Kristiyanismo)

Tamblot

Katutubo sa leyte

1622

Leyte

Pagtakwil sa

Kristiyanismo upang ibalik ang dating pananampalataya ng mga katutubo (kalayaan sa

Leyte

kanilang paniniwala)

Bancao at Pagali

Katutubo ng Cagayan Apayao at Itneg

1625

Cagayan at Apayao

Pagbalik sa mga bundok upang ipagpatuloy ang kinagisnang pananampalataya

Miguel Lanab at Alababan

Tapar

1663

Oton, Panay

Pagtutol ng mga Español na magtatag ng bagong relihiyon

Tapar

Dagohoy

1744

Bohol

Pagtanggi ni Padre Morales na bigyan ng Kristiyanong libing ang kapatid ni Dagohoy

Francisco Dagohoy

Katutubo ng Lalawigab ng Quezon

1840

Lalawigan ng Quezon

Pagtatag ng samahang Cofradia de San Jose at pagtanggi kay Hermano Pule na tanggapin siya na maging pari. Tinawag siyang Indio ng mga prayle.

Apolinario Dela Cruz 

(Hermano Pule)

Mga Pag-aalsang Pangkabuhayan


Pag-aaklas

Taon

Lugar

Dahilan 

Pinuno

Magalat

1596

Cagayan

Abuso ng mga Español sa pangongolekta ng buwis

Magalat

Mga Taga Samar

1648

Samar

Pagtutol na ipadala sila sa Cavite upang gumawa ng galleon (pagtutol sa polo o sapilitang paggawa)

Juan Ponce

Sumuroy at Pedro Caamug

Mga Taga Pampanga

1660

Pampanga

Sapilitang paggawa sa mga trosohan at pagawaan ng galleon

Pagkumpiska sa mga produkto ng mga katutubo

sa Pampanga ng mga Español

Francisco Maniago

Mga taga pangasinan

1661

Pangasinan

Pagtutol sa sapilitang paggawa

Pedro Almazan

Mga Taga Cagayan

1718

Cagayan

Labis-labis na paniningil ng alcalde mayor sa tributo M o buwis

Luis Magtangaga at Tomas Sinaguingan

Mga taga Pangasinan

1762

Pangasinan

Pagtutol sa mataas na buwis na sinisingil ng mga asinan Español at pagkumpiska ng mga inani ng mga Español sa mga katutubo

Juan de la Cruz Palaris

Mga taga Ilocos

1763

Ilocos

Pangongolekta ng buwis (tributo) at pagpapahirap sa mga polista o mga manggagawa sa polo

Diego Silang at Gabriel Silang 

Mga taga Piddig Ilocos Norte

1807

Ilocos Norte

Pagbabawal ng pamahalaan sa paggawa ng basi (alak na galing sa tubo)


Nais ng pamahalaang Español na sarilinin ang paggawa ng alak.

Pedro Mateo

Walang komento:

KAALAMAN AT KASANAYAN SA PAGKUKUMPUNI

https://drive.google.com/file/d/1ICVKETNdH162VzaAxeBC48q_Y_LYhRCw/view?usp=sharing