Huwebes, Hulyo 21, 2022

Relatibong Lokasyon

 Relatibong Lokasyon


Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga karatig na bansa na nakapaligid dito gamit ang apat na pangunahin at pangalawang direksiyon.


Makatutulong ang mga direksiyon kung anong mga bansa ang nasa hilaga, timog, silangan, at kanluran ng Pilipinas.


Tingnan ang mapa ng Timog-Silangang Asya. Ituro kung anong mga bansa ang nasa apat na pangunahin at pangalawang direksiyon ng Pilipinas.



Hilaga

Timog

Kanluaran

Silangan

Japan

Brunei

Northern Marianad

Cambodia

South korea

Singapore

Guam

Vietnam

Taiwan

Indonesia

Palau Island

Thailand

China

Malaysia

Saipan

Laos


Tandaan


* Replika o modelo ng mundo ang globo.


*Ang ekwador ang panggitnang guhit latitud na humahati sa globo sa magkasinlaking bahagi.


Ang guhit latitud ay likhang-isip na guhit sa globo na kaagapay ng ekwador mula Kanluran patungong Silangan.


Ang guhit longhitud ay likhang-isip na guhit sa globo. Ito ay patayong guhit mula sa Polong Hilaga hanggang Polong Timog.


Ang mga pinagsama o pinagtagpo-tagpong guhit latitud at guhit longhitud sa globo ay tinatawag na grid.


*Digri ang panukat sa layo ng isang lugar sa globo o mapa maging ito man ay pahilaga, patimog, pakanluran, o pasilangan.


*May limang espesyal na guhit latitud sa globo: Ekwador, Tropiko ng Cancer, Kabilugang Arctic, Tropiko ng Capricorn, at Kabilugang Antarctic.


Ang limang espesyal na guhit latitud sa globo ang pinagbabatayan sa pagbabago-bago o pagkakaiba-iba ng klima sa iba't ibang bahagi ng mundo.


*Matutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga karatig na bansa gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon.


Kalinangan


*Ang kaalaman sa lokasyon ng sariling bansa ay tungkuling dapat malaman ng mga Pilipino upang mapangalagaan ang teritoryong sakop ng bansa at maipagtanggol ito sa mga mananakop.





Walang komento:

KAALAMAN AT KASANAYAN SA PAGKUKUMPUNI

https://drive.google.com/file/d/1ICVKETNdH162VzaAxeBC48q_Y_LYhRCw/view?usp=sharing