Mga Espesyal na Guhit Latitud sa Globo
May mga espesyal na guhit latitud sa globo. Ang mga ito ay pawang likhang isip na guhit lamang. Ang ekwador ang panggitnang guhit latitud.
Sa bahaging Polong Hilaga mula sa ekwador ay ang Tropiko ng Cancer at ang Kabilugang Arctic. Sa bahagi naman ng Polong Timog mula sa ekwador ay ang Tropiko ng Capricorn at Kabilugang Antarctic.
Ang limang espesyal na guhit latitud sa globo ay nakatutulong upang malaman at maunawaan ng mga tao ang pagbabago-bago ng iba't ibang klima sa iba't ibang bahagi ng mundo sanhi ng kaugnayan ng araw sa mundo.
Matutukoy ang mga lugar sa mundo na mainit, malamig, at katamtaman ang klima sa pamamagitan ng limang guhit na ito.
Bakit magkakaiba-iba ang klima sa iba't ibang bahagi ng mundo?
Dapat nating tandaan na ang mundo ay umiikot sa araw. Hindi lahat ng bahagi ng mundo ay direktang nakatatanggap ng sikat ng araw dahil sa pagkahilig ng mundo sa araw kapag umiikot ito. May mga bahagi rin sa mundo na hindi nakatatanggap ng init ng araw kaya sadyang napakalamig ng klima dito sa buong taon.
Ang mga lugar o bansa na nakararanas ng napakalamig na klima ay nasa mataas na latitud. Ito ay nasa bahaging Kabilugang Arctic sa Polong Hilaga at sa Kabilugang Antarctic sa Polong Timog.
Mga Espesyal na Guhit Latitud
Kung pagbabatayan ang limang espesyal na guhit latitud sa globo, ang Pilipinas ay nasa mababang latitud. Klimang tropikal ang klimang nararanasan sa bansa. May dalawang uri ng klima sa Pilipinas. Ito ang tag-araw at tag-ulan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento