Pagdating ng mga Dayuhan sa Pilipinas
Pang-ugnay na Tanong
Sino-sino ang dayuhang nakarating sa Pilipinas? Ano ang natutuhan ng mga ninuno natin mula sa kanila?
Unang nakarating sa Pilipinas ang mga dayuhang Asyano. Maayos ang sistema ng kalakalan sa pagitan ng mga unang Pilipino at ng mga Asyanong mangangalakal. Naiulat ng mga dayuhang manunulat na matapat sa pakikipagkalakalan ang mga ninuno ng Pilipino kaya pinagkatiwalaan sila ng mga dayuhang Asyano.
Naunang nakaugnay ng mga Pilipino sa Mindanao ang mga Arabe noong ika-12 na siglo. Naging maayos at matatag ang kalakalan sa pagitan nila hanggang nagsidating ang mga misyoneryong Muslim na nagpakilala ng Islam. Dumating naman ng mga Tsino sa lugar pagsapit ng ika-13 na siglo.
Sa pakikipagkalakalan maraming natutuhang impluwensiya ang mga Pilipino mula sa mga dayuhang Asyano. Nang magtagal, marami sa mga Tsino ang nanirahan na nang tuluyan sa Pilipinas. Ang mga impluwensiyang Hindu ay hindi direktang dala ng mga Hindu mula sa India. Sa halip, ito ay dala ng mga nags idating na mga Malay na naimpluwensiyahan na ng mga Hindu at nanirahan sa Pilipinas.
Ang pagpapakasal nila sa mga katutubong nadatnan nila sa Pilipinas ang dahilan kung bakit ang mga impluwensiyang Hindu ay ganap na naging bahagi ng kulturang Pilipino sa pagitan 1385 at 1400 mula Fukein, Hapon. Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1565, may naiulat silang mga dalawampung Hapones na naninirahan na sa Maynila noon. May nakita rin silang apat na sasakyang pandagat ng mga Tsino.
Ang mga nasa tsart ay mga pamanang kultural na nagmula sa mga dayuhang Asyano.
Matutukoy mo ba kung anong pamana ang nakalarawan at kanino sila nagmula?
Kalagayan ng Mundo Noon
Si Prinsipe Henry ng Portugal na tinawag na Henry, the Navigator ay nagkaroon din ng interes para tumuklas ng mga bagong lupain noong 1419. Upang mas malinang ang kakayahan ng mga manlalakbay, nagtayo siya ng sentro ng pagsasaliksik kaugnay ng paglalakbay sa karagatan.
Umiral ang panahon ng Eksplorasyon at Kolonisasyon sa buong mundo sa pagitan ng ika 15 hanggang ika-16 na siglo. Udyok ng pangangailangan para maghanap ng bagong ruta ang paligsahan sa pagitan ng Espanya at Portugal. Kontrolado noon ng mga Turkong Muslim ang rutang nag-uugnay sa Asya at Europa. Ang nag-iisang bukas na ruta ay namomonopolyo naman ng Venice. Karagdagan para sa Espanya ang pagnanais na tuklasin ang mga bagong lupain sa kabila ng mga karagatan upang maipangaral ang Kristiyanismo.
Ang Portugal at Espanya ay nanguna sa pagpapadala ng mga eksplorasyon upang tumuklas ng ruta pasilangan at maghanap ng mga bagong lupain. Parehong malapit sa dagat ang dalawang bansa dahil nasa iisang peninsula ang mga ito, ang Iberian Peninsula.
Ang kolonisasyon ay ang pag-angkin sa mga bagong lupaing matutuklasan. Ang merkantilisimo ang nag-udyok upang mag-ipon ng mga lupain ang Espanya at Portugal. Ang merkantilismo ay paniniwalang ang kapangyarihan ng isang bansa ay nasa dami ng mga lupaing nasasakupan nito. Ang mga lupaing ito ay ginagawang kuhanan ng mga hilaw na produkto tulad ng ginto at pilak. Nagiging pamilihan din ito na binabagsakan ng mga yaring produkto mula sa mananakop na bansa. Ang merkantilismo ay pagsisimula ng kapitalismo.
Sa Pamamagitan ng Pagtustos sa mga eksplorasyon, Maraming Lupain ang natuklasan.Naging Popular ang mga namuno sa mga nasabing paglalakbay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento