Mga Pagbabagong Inilunsad ng mga Espanyol at mga Epekto Nila
Pang-ugnay nag Tanong
Ano ang kahulugan ng pananakop para sa lyo? Ano-ano ang nabasa mo tungkol dito? Ano sa palagay mo ang epekto nito sa mga tao?
Layunin ng Espanya sa Pananakop
Ayon sa utos ng hari ng Espanya kay Legazpi sa pagsisimula ng ekspedisyon, ang pangangand ng Kristiyanismo ang pangunahing layunin nito, gayundin ang pagtuklas ng pabalik na utasa Pilipinas
Bagaman naging mabigat sa gastusin ng Espanya ang pagpapadala ng mga Espanyol sa
Pilipinas at pagsuporta sa kanila, ipinasiya ni Haring Felipe II na ipagpatuloy ito. Ang pagyakap
mga katutubong Pilipino sa Kristiyanismo ay naipangako niya sa kanyang lola, si Reyna Isabel.
Ang pangunahing pari ng ekspedisyon, si Padre Andres de Urdaneta, mula sa kapatirang
Agustinian, ay bumalik sa Espanya para matunton ang pabalik na ruta sa Espanya. Kasama niya ang apo ni Miguel Lopez de Legazpi sa paglalakbay.
Pangatlong layunin ng ekspedisyon ang pagpapalawak sa kaharian ng Espanya at makinabang mula rito sa pamamagitan ng kalakalan. Ang layuning ito ay naisakatuparan sa panahon ng pag iral ng kalakalan sa pagitan ng Mexico at Pilipinas.
Paghahati-hati sa Teritoryo ng Pilipinas
Ang mga nasasakop na pinakamalaking pamayanan ay ginawang kapital o cabecera lalawigan at inilagay ang simbahan at munisipyo na magkatabi. Nakapalibot dito ang mga bahayan ng mga principalia at encomiendero. Nakatulong din ang pamamaraang ito para sa pangangaral ng Kristiyanismo at pangongolekta ng buwis.
Dahil malapit sila sa simbahan, ang tunog ng batingaw nito ay naging hudyat ng pagdaraos ng misa o pagdarasal ng orasyon (angelus). Ang mga nasa malayong lugar naman ay tinawag na mga visita. Ito ay sumasakop sa mga nabubuhay sa pagsasaka ng mga bukirin o pangingisda sa mga dagat o ilog.
Sa paglaki ng populasyon ng mga lugar na ito, ginawa itong mga pueblo o bayan at pinangasiwaan ng gobernadorcillo.
Ang pinakamaliit na dibisyon ay ang mga barangay. Ang mga dating datu ang naging pinuno ng mga ito. Tinawag silang cabeza de barangay. Ang pinakaunang naitatag at pinakamalaki ay ang mga lungsod na naging pamayanan para sa mga Espanyol na dumating mula sa Espanya. May anim na lungsod na unang naitatag. Ito ay ang sumusunod:
Manila Cebu Caceres
Villa fernandina (Vigan) nueva ( Naga)
Arevalo (iloilo). Nueva segovia
Layunin ng sapilitang paglipat sa mga katutubo sa malapit na simbahan ang malayo sila sa kanilang paganong pananampalataya. Ginagawa nilang makulay ang mga pagdiriwang ng Sambatan upang makit sila at yakapin ang Katyanismo.
Ang pagmamalit sa mga katutubo at pananakit sa kanila ng mga paring Espanyol ay naging dahilan ng hindi magandang relasyon sa pagitan at ng simbahan.
Pamahalaang Pambansa
Royal Audiencia -------- Hudikatura
Gobernador Heneral ------- Ehekutibo
Hari ng Espanya ----- Lehislatura
Pamahalaang Lokal
Lalawigan
Corregimento Alcalde
Lunngsod Bayan
Baryo Barangay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento